BOC inoperan ng P7 milyon sa 4 Maserati

MANILA, Philippines — Nakatanggap ang Bureau of Customs (BOC) ng offer na hanggang P7,055,664 para sa apat na Maserati luxury cars sa isinagawa nilang negotiated sale, nabatid nitong Linggo.
Ayon sa BOC, kabilang sa mga units na ipinasusubasta ay dalawang 2021 Maserati Levante Modena na binibili sa halagang P1,594,388 at P1,601,000 at dalawang 2021 Maserati Levante GT Hybrid na may accepted offers na P1,930,088 at P1,930,188. Anang BOC, ang offer ay isinagawa ng Fast Car Traders Corp. sa idinaos nilang negotiated sale.
Gayunman, hindi pa umano pinal ang pagbebenta sa mga naturang behikulo dahil ang napagkasunduang presyo ay nangangailangan pa ng pag-apruba mula sa Department of Finance (DOF) bago tuluyang maisakatuparan ang transaksiyon.
Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, layunin nilang matiyak na ang mga sasakyang nasa kostudiya nila ay mapapakinabangan ng pamahalaan sa legal at transparent na paraan.
- Latest
















