^

Bansa

DOH: Ingat sa bilis-panis na pagkain sa El Niño

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Health (DOH) nitong Sabado na mas mabilis masira ang pagkain dahil sa matinding init ng panahon na dulot ng El Niño phenomenon.

Ayon sa DOH, inaasahang magpapatuloy at lalakas pa ang epekto ng El Niño hanggang sa unang kalahati ng 2027 kaya mahalagang mabantayan ng publiko ang kanilang kalusugan at kaligtasan sa pagkain.

“Ang matinding init at mga posibleng brownout ay nagpapabilis ng pagkasira ng pagkain. Siguraduhing malinis ang tubig na ginagamit sa pag­huhugas ng pagkain, kamay, at mga kagamitan. Pakuluan ang inu­ming tubig kung hindi tiyak ang kalinisan nito. Takpan at ubusin agad ang lutong pagkain, at huwag itong hayaang nakabilad sa init upang maiwasan ang pagdami ng bakterya,” paalala pa ng DOH.

Hinikayat din ng ahensya ang publiko na mag-ingat laban sa mga pa­nganib na dulot ng matinding init.

“Ingatan ang sarili at pamilya laban sa El Niño. Tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 kung kinakaila­ngan ng agarang tulong,” dagdag ng DOH.

Sa kasalukuyan, mahigit 100 lungsod at munisipalidad na ang nagdeklara ng state of calamity bunsod ng patuloy na pagtaas ng temperatura at epekto ng matinding tagtuyot.

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with