Mag-inang Legarda, ayaw nang umuwi - Remulla
MANILA, Philippines — Tila ayaw na umanong bumalik sa Pilipinas ang mag-inang Senador Loren Legarda at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na kasalukuyang nasa ibang bansa.
Ito ang tingin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa palagiang pagpapalawig ni Sen. Legarda sa kanyang medical leave sa Senado para sa pagpapagamot sa France.
Sa ulat ng Bureau of Immigration (BI), magkahiwalay na lumipad palabas ng Pilipinas ang mag-ina noong Agosto 2, 2026, bago pa man magkaroon ng opisyal na hold departure order (HDO) matapos na ianunsyo ng Office of the Ombudsman ang pagsasailalim sa kanila sa preliminary investigation para sa mga reklamong graft at plunder may kinalaman sa umanoy P10-bilyong halaga ng “ghost solar projects” ng Energy Company ni Leviste na Solar Philippine Power Project Holdings (SPPHI) at Solar Para sa Bayana Corporation (SPBC). Itinanggi naman ito kamakailan ng mag-ina.
Lumipad patungong France si Sen. Legarda, habang ang kaniyang anak ay unang pumunta ng Hong Kong bago sumunod sa kanyang ina para umano samahan sa patuloy na pagpapagamot sa France.
“Nung umpisa, we had an inkling na gusto niyo pa umuwi. But later on, from the accounts of a lot of people who we mutually know, parang ayaw niya na umuwi. So ang tingin ko, ayaw niya na umuwi. Tinatakasan nila. Ayaw nilang humarap sa charges. Kasi kung talagang wala kang kasalanan, humarap ka. Remember, in criminal law, flight is an indication of guilt. And if she wants a presumption to hold so be it. But it doesn’t mean that they can hide forever,” sabi ni Remulla
- Latest




















