VP Duterte: Hindi ako interesado kay Matibag, he’s a nobody!
MANILA, Philippines — “Hindi ako interesado sa kanya.Walang interested kay Atty. Matibag, he’s a nobody.”
Ito ang diretsahang tugon ni VP Sara Duterte nang mahingian ng reaksiyon kaugnay sa hamon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na magsampa ng kaso kung sa tingin nito ay bias siya o may ginagawang hindi tama.
Kasunod ito nang isinasagawang imbestigasyon ng ahensiya sa mga ari-ariang iniuugnay sa VP Sara at sa kanyang pamilya.
Kaugnay naman sa fact-finding investigation report ng NBI hinggil sa Statement of Assets, liabilities, and Net Worth (SALN) ni VP Sara na isinumite nito sa Office of the Ombudsman para sa ebalwasyon at kaukulang aksiyon, tiniyak ng bise presidente na magbibigay siya ng paliwanag hinggil dito sa tanggapan ng Ombudsman, sa halip na makipagsagutan kay Matibag.
‘Yung regarding sa Statement of Assets and Liabilities ko, it is already a subject in the impeachment. At sinubmit na rin ‘yun sa Ombudsman.So ito ‘yung mga proper forum kung saan mas makakabuti doon kami magbigay ng aming sagot at explenasyon. Kaysa sa makipagsagutan tayo kay Atty. Matibag na nakita naman natin na mali-mali ‘yung mga sinasabi,” aniya pa.
- Latest

















