^

PSN Showbiz

Star Worx artists, sasabak na sa ASAP XP!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Star Worx artists, sasabak na sa ASAP XP!
Star Worx artists
STAR / File

Bagong talento at exciting performances ang hatid ng TV5 artists sa ASAP XP, na ngayon ay co-produced na ng ABS-CBN at TV5!

Handa nang magpakitang-gilas ang Star Worx artists ng TV5 sa kanilang grand debut sa ASAP XP this Sunday, Oct. 18, at 7:00 p.m.!

Kabilang sa exciting lineup ang talented young singers na sina Carmela Lorzano, Gianna Huelgas, Selina Griffin at Kaitlyn King, na magpapamalas ng kanilang husay sa pagkanta sa iconic Sunday musical variety show.

Makakasama rin nila ang promising young performers na sina Dylan Menor, Chan Martin, Nico Matugas, Spencer Capistrano, Patrick Ballesteros, Keisha Serna at Celyn David, na magdadala ng fresh ­energy at youthful appeal sa ASAP XP stage.

Mas espesyal ang kanilang debut dahil kasabay nito ang bagong yugto ng ASAP XP.

Sa partnership na ito, mas mara­ming oportunidad ang nagbubukas para sa mga bagong artistang Pilipino na makasabay sa established names sa entertainment industry.

Sa pamamagitan ng Star Worx, patuloy ang TV5 sa pagdiskubre at pag-develop ng homegrown talents, habang binibigyan sila ng mas malaking platform para maipakita ang kanilang galing at maabot ang mas maraming viewers.

STAR WORX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with