^

Bansa

71% ng mga Pinoy, nababahala sa inflation

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nananatiling pangunahing alalahanin ng mga Pilipino ang implasyon o patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Batay sa survey na isinagawa noong Set­yembre 17 hanggang 24, 71 porsiyento ng mga adult Filipino ang nagsabing dapat tutukan ng administrasyong Marcos ang pagkontrol sa implasyon. Ayon sa Pulse Asia, ito rin ang tanging isyung nanguna sa lahat ng geographic at socioeconomic groups.

Sinabi ng survey firm na mas dumami ang mga Pilipinong nababahala sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, na tumaas ng 17 percentage points kumpara noong nakaraang taon.

Lumabas din sa survey na 81 porsiyento ng mga respondent ang hindi nasisiyahan sa pagtugon ng pamahalaan sa isyu ng implasyon.

Pumangalawa naman sa mga pangunahing concern ng publiko ang paglaban sa korapsyon sa gobyerno sa 39 porsiyento, sinundan ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa 36 porsiyento, paglaban sa kriminalidad sa 24 porsiyento, at pagtugon sa kahirapan sa 21 porsiyento.

Kabilang din sa mga binanggit na prayoridad ng mga respondent ang paglikha ng trabaho, kampanya kontra ilegal na droga, mataas na presyo ng langis, pagtulong sa mga magsasaka, at pagsusulong ng kapayapaan.

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with