^

Police Metro

Sotto, Quimbo, at Trillanes dawit sa ‘maleta’ scandal   

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag sa korte ng self-confessed bagman na si Rodante Orbillo na hinatiran umano niya sina Senate President Pro Tempore Tito Sotto III, da­ting Marikina Rep. Stella Quimbo, at dating Sen. Antonio Trillanes IV ng mga maletang puno ng pera.

Sa pagdinig ng Sandiganbayan Third Division nitong Huwebes, tumestigo si Orbillo—isa sa mga miyembro ng tinaguriang “18 maleta boys” at da­ting bodyguard ng dating kongresista na si Elizaldy “Zaldy” Co.

Ayon sa kanyang testimonya, ang mga cash delivery ay naganap sa pagitan ng 2022 at 2024 at diumano’y may kaugna­yan sa mga kickback mula sa flood control projects.

Dinismis ni Sotto ang isyu at sinabing “Old story. Does not deserve a ­response”. Una na niyang ipinaliwanag sa mga nakaraang pagdinig na hindi siya nanungkulan bilang senador mula 2022 hanggang 2025 (ang panahong saklaw ng alegasyon) at ang tinutukoy na assistant na tumanggap diumano ng pera ay pumanaw na noong taong 2015.

Mariin din itinanggi ni Trillanes ang paratang at sinabing “Definitely not true” at binigyang-diin niya na nag-recant o bumawi na ng naunang salaysay ang ilang kasamahan ni Orbillo na ­unang nag-akusa sa kanya. Kinuwestiyon din niya ang motibo sa likod ng paggamit sa mga testigong ito.

Wala pang komento ang kampo ni Quimbo ukol sa testimonya ni Orbillo.

Ikinanta ni Orbillo ang mga nasabing pangalan habang nagpapatuloy ang bail hearing para sa kasong plunder ni dating House Speaker Martin Romualdez.

Itinakda ng Sandiganbayan ang bail hea­ring hanggang sa November 12, 2026.

TITO SOTTO III

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with