^

Police Metro

Babaeng estudyante utas sa mga saksak

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 20-anyos na college student ang natagpuang patay sa gitna ng kalsada na unang inakala ng biktima ng hit and run malapit sa boundary ng Barangay Duhatan at Barangay Pinagtungulan sa Lipa City, Batangas, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si alyas “Jaz,” estudyante, residente ng Brgy. Duhatan Purok 1, Lipa City, Batangas.

Batay sa ulat ng pulisya, alas-6:45 ng gabi nang madiskubre ng isang residente ang biktima na duguang nakahandusay sa kalsada na sakop ng Purok 7, Brgy Pinagtungulan, Lipa City.

Sa pahayag ng Barangay Public Safety Officer (BPSO) ng Brgy Dugatan, nakatanggap sila ng ulat mula sa isang concerned citizen na may biktima umano ng vehicular accident sa boundary ng kanilang barangay.

Sa pagresponde ay nakita ang dalaga na kalat ang mga dugo habang nakabulagta sa kalsada kaya agad itong itinakbo sa Metro San Jose Medical Center at dito napag-alaman na tadtad ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Kasalukuyan pang ­inaalam ng mga awtoridad ang posibleng motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek at nirerebyu na rin ang mga CCTV footage sa lugar.

SAKSAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with