Lalaking may cancer pinagaling ni Padre Pio (Part 3)
NAGMAMADALING umalis ng bahay si Anthony Fuina para dalhin ang mga susi ng bahay na itinawag ng kanyang real state agent. Kailangang makarating siya sa pinag-usapang lugar sa loob ng 15 minuto. Dahil sa pagmamadali, hindi na niya hinintay ang tawag ng doktor na magbabalita ng resulta ng kanyang biopsy.
Makulimlim ang panahon ng araw na iyon. Hanggang umambon. Habang nakatigil ang sasakyan niya sa traffic light sa corner ng Merrick Rd and Hicksville Rd., isang tao ang nakita niyang kumakaway sa kanya.
Lumapit ang lalaki sa kanyang sasakyan. Binuksan ni Anthony ang bintana.
“Maawa ka sa akin, pasakayin mo ako,’’ sabi ng lalaki sa mababang boses. Mahaba ang balbas niya at nakasuot ng white bakers uniform. “Patungo ako sa Jerusalem Ave. at Hicksville Rd., malapit sa Tabernacle Church at Maria Regina Church. Walang magpasakay sa akin mula pa kanina.”
Hindi ugali ni Anthony na magpasakay ng estranghero pero ng mga oras na iyon, isang makapangyarihang damdamin ang lumukob sa kanya.
“Halika. Sumakay ka at ihahatid kita sa pupuntahan mo,” sabi niya kahit na atrasado na sa oras sa pagdadala ng susi para sa kanyang sales agent.
Nang makasakay na ang lalaki at nakaupo na sa unahang upuan, sinabi nito kay Anthony.
“Mabuti kang tao. Pinasakay mo ako kahit may appointment na hinahabol. Nagtaka si Anthony kung paano nalaman ng lalaki na mayroon siyang appointment ng mga oras na iyon.
Nagpasalamat ang lalaki at binindesyunan si Anthony.
Lalo pang nagtaka si Anthony sa lalaki nang sabihin ng lalaki kay Anthony na nararamdaman niyang balisa ito dahil sa tinataglay na sakit. Paano nalaman ng lalaki na mayroon siyang sakit?
“Ano ang ikinababalisa mo?” tanong ng lalaki kay Anthony.
Sinabi ni Anthony na kaoopera lamang ng bahagi ng kanyang tumor at hinihintay ang biopsy report.
Tinitigan umano siya ng lalaki. Sinabi umano nito na ituro kung saang bahagi ginawa ang operasyon. Itinuro ni Anthony. Ipinatong ng lalaki ang kamay at saka nagdasal. (Itutuloy)
- Latest




















