Shuvee, nagkomento sa encounter ni Gerald at Tatay ni Anthony!

Ipinanganak at lumaki sa Bantayan Island, Cebu si Shuvee Etrata.
Bata pa lamang noon ay talagang sumasali na raw si Shuvee sa mga beauty contest sa kanilang barangay upang makatulong sa pamilya. “Ako for money talaga ‘yung sa akin. I joined a lot of barangay pageants. ‘Yan po ‘yung mga pinagdaanan ko. Lahat nang barangay po sinasalihan ko para makadagdag (pambili ng) bigas. I joined a lot of pageants simply because I wanna earn money,” pagbabahagi ni Shuvee sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.
Hindi lingid sa kaalaman ng dalaga ang sinasabi ng ilan tungkol sa mga bisayang katulad niya. “Ang tingin nila, yaya, gano’n. Parang probinsyana, ‘yung stereotype na yaya ‘yung role pagpunta ko dito sa Manila. I really, really have to push my limits para ipakita sa kanila na hindi. Ang mga Bisaya, mga talentado kami. Marami kaming pinapatunayan,” giit ng beauty queen-actress.
Samantala, kamakailan ay ginanap sa Cebu ang Bida sa Arena Rematch na pinangunahan nina Gerald Anderson at David Licauco.
Naglaro rin ang manliligaw ni Shuvee na si Anthony Constantino kaya naroon din ang dalaga. Nagkainitan umano sa pagitan ng ama ni Anthony at Gerald noon. “I think that really happened inside the game. You know heated ang game, basketball, physical game. It happens, even I did that. ‘Hoy! Gerald!’ Lalo na Bisaya si Gerald, Bisaya din ako, and I do that as well. I think as a father that’s really, really understandable. Parang nagtataka lang po si Kuya Gerald kung sino ‘yung nagsasalita. Tapos sabi ni Anthony, ‘That’s my father.’ Sunod, sabi niya kay Anthony, ‘I’m sorry,’” nakangiting kwento ng Kapuso actress.
Josh, napahanga sa bagong P-Pop group
Napapanood na si Josh Ford sa Born to Shine na pinagbibidahan ni Zephanie. Masayang-masaya ang Kapuso actor dahil napabilang sa musical drama series ng GMA Network. “The experience with Born to Shine is amazing. Grabe ‘yung care nila do’n sa group. They’ve been running for almost a year na kaya I’m so happy and blessed to be a part of it. Siyempre kapag heavy scenes, tulungan lahat. Nakakatuwa din kasi most of them nakasama ko na sa MAKA before,” nakangiting pahayag ni Josh sa 24 Oras.
Napahanga umano ang binata sa Pinay Pop group na kasama sa serye na YUMI. Kinabibilangan ang female group nina Zephanie, Olive May, Naya Ambi, Gaea Mischa at Mitzi Josh. “Grabe ang YUMI. I’m so grateful napasama ako sa taping nila. Napanood ko ‘yung behind the scenes ng YUMI. I know they’re only for Born to Shine, pero parang totoong P-Pop group sila. Kasi every time they perform, alam mong lahat sila may atake eh,” kwento ng binata
Umaasa si Josh na makikilala pang lubos ang lahat ng miyembro ng naturang P-Pop group ng serye. “Nae-excite ako makilala sila lahat. And kung may mabibigay silang tips sa amin, matutuwa din ako do’n,” pagtatapos ng dating Pinoy Big Brother housemate — Reports from JCC
- Latest

























