Concert Queen, umaasang magkaka-jowa pa
Hindi napilit si Pops Fernandez na sabihin kung kailan ang huling lovelife niya.
Ito ay nang subukan namin siyang paaminin kung in love siya sa kasalukuyan or kulang kailan siya huling na-in love.
Naka-ilang partner na nga naman ang ex-husband niyang si Martin Nievera na open sa publiko, pero siya walang inaamin publicly.
Pero ‘yun nga, walang kasawaan ang entertainment media na uriratin kung in love ba siya lalo na at parang hindi naman nadadagdagan ang edad ng OG Concert Queen.
At ang lagi niyang sagot: “I’m in love with life, in general. Pero gaya nga ng sinabi ko, darating din ‘yon. Hindi naman ako nawawalan ng hope. Hahahaha! Pero hindi rin naman ako sad.
“Kung mangyayari ‘yon, it will be such a welcome surprise.
“Because I also, eventually want to grow old with someone I can be with constantly, I can travel with, I can share with my miseries, and my blessings with,” sabi ni Pops na magce-celebrate ng kanyang 60th birthday this November at 40th year in showbiz sa pamamagitan ng isang concert sa Newport Performing Arts Theater na may pamagat na Pops sa Nov. 26.
Pero common knowledge ‘di ba na na-link siya kina Piolo Pascual, Aga Muhlach, etc. Pero kumbaga walang official statement doon si Pops.
But anyway, willing namang pumatol sa mas bata si Pops. “Napaka-ipokrita ko naman kapag sinabi kong ayoko sa bata. Eh, in the past, alam n’yo naman. Hahahaha!
“Siyempre ‘yung sakto lang. Sa akin kasi, it’s a matter of sino lang ang nababagay sa personality ko. Kailangan magkaintindihan kaming dalawa. Kasi mahirap mag-adjust. Parang hindi ko na rin kayang mag-adjust!” masaya pang sagot ni Pops na sa totoo lang ay hindi mo naman makikitang senior na siya this November at hindi na kailangang pangalan kung sinong naging jowa niya na mas bata ang edad sa kanya.
In fact, kung ang maraming kaedaran niya ay may mga maintenance medicine na, si Pops, kahit isa ay wala. Yup, you read it right.
Kaya naman thankful siya na healthy siya at active sa kabila ng pagdami ng mga singer and performer kasabay ng pag-evolve ng entertainment industry.
- Latest
























