Kim, may ‘NDA’ sa intriga sa pagdadalangtao?!

Hindi sinabi ni Kim Chiu kung nasaan siya, pero tuwang-tuwa ang TV host/actress matapos mapabilang ang pelikula nila ni Paulo Avelino sa official entries sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF), A Perfect Marriage.
Hindi nga nakadalo si Kim sa ginanap na announcement ng MMFF para sa apat na dagdag na bumuo sa Magic 8.
“‘Yung kaba ko, GRABE!!! Naiyak talaga ako nung in-announce ni Ms. Laurice Guillen ang family drama category! My heart is so full of gratitude! Maraming, maraming salamat po sa MMFF 2026 and to @quantumfilms @attyjoji for giving me this beautiful opportunity.@danvillegas #APerfectMarriage this December 25 na po!!! “For better or for worse, MAGKASAMA TAYO!” Magkita-kita po tayo sa sinehan ngayong PASKO! Maraming salamat po sa tiwala at pagmamahal! Isang napakagandang Christmas gift po nito. Sa lahat ng #KimPau na nagdasal para sa movie maraming salamat. Eto na po ang simula.@mepauloavelino congrats!,” tweet ni Kim kahapon sa X.
Sumugod sa Shangri-La Edsa ang KimPau fans para sa nasabing announcement noong isang araw.
Maingay ang nasabing entry ng KimPau dahil na rin sa mga intriga kay Kim na diumano’y nagdadalangtao ito kaya kasalukuyang naka-leave.
Pero kinokonek naman ‘yun ng iba sa role niya sa A Perfect Marriage kung saan buntis ang papel na ginagampanan niya.
At baka raw may NDA (Non-Disclosure Agreement) din si Kim o ang mga taong nasa paligid niya kaya walang nagsasalita tungkol dito.
- Latest


























