VP Sara,no.1 pa rin sa 2028 presidential survey
Bong Go sa VP
MANILA, Philippines — Malakas pa rin si Vice President Sara Duterte sa listahan ng mga nais ng mga Pilipino na maging susunod na pangulo sa 2028 sa gitna ng mga kasong kinakaharap niya at impeachment trial sa Senado.
Batay ito sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong Setyembre 17-24, 2026 na inilabas nitong Lunes, Oktubre 12.
Batay sa resulta ng survey, 50% ng mga adult Filipino ang pumili kay Duterte bilang kanilang nais na maging pangulo na mas mataas ito ng isang percentage point kumpara sa 49% na naitala niya noong Hulyo 2026.
Tinanong sa naturang survey ang 2,400 respondent kung sino ang kanilang iboboto kung ang halalan sa pagkapangulo ay gaganapin sa panahon ng survey.
Naungusan nito sina Naga City Mayor Leni Robredo na nakakuha ng 26 percent at si Senador Raffy Tulfo ay nakakuha ng 12 percent.
Nakakuha naman si Sen. Risa Hontiveros ng 3 percent habang ang iba pang posibleng kandidato ay sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Public Works and Highways Secretary Vince Dizon, na kapwa nakakuha ng 1 porsyento, na sinundan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nakakuha ng 0.3 porsyento.
Tatlong porsyento ng mga respondent ang hindi pa nagpapasya sa kanilang pipiliing Pangulo; 3 porsyento naman ang nagsabing hindi sila inclined na suportahan ang sinuman sa mga posibleng kandidato; at 1 porsyento ang tumangging tukuyin ang kanilang gustong kandidato.
Ang suporta para kay Duterte ay pinakamalakas sa kanyang balwarte sa Mindanao, kung saan nakakuha siya ng 92 porsyento.
Nakatanggap din siya ng suporta mula sa malaking bahagi ng mga respondent sa Visayas-56 percent at Metro Manila -40 percent, gayundin sa iba’t ibang uri ng socioeconomic class-44 hanggang 68 porsyento.
Sa natitirang bahagi ng Luzon, si Robredo ay nakakuha ng 36 percent at Duterte-28 percent sa mga naging pinapaborang kandidato
Para sa bise presidente, nanguna si Senador Bong Go na may 31 porsyento, na sinundan nina Sen. Robin Padilla na may 19 na porsyento at Bam Aquino na may 17 porsyento.
- Latest



















