Prosekusyon, binawi ang pag-hostile witness kay VP Sara
MANILA, Philippines — Inalis na ng House prosecution panel ang plano nitong tawagin si Vice President Sara Duterte bilang hostile witness sa kanyang impeachment trial sa Senado.
Ayon kay private prosecutor Lorna Kapunan, inaasahan nilang sasabihin lamang ng Bise Presidente na “hindi ko alam” o wala siyang kinalaman sa mga alegasyon, gaya ng naging pahayag ng mga naunang testigo mula sa Office of the Vice President (OVP). Itinuturing nila itong sayang sa oras dahil magiging predictable ang sagot.
“From everything we have heard from the defense, she is just going to say, hindi ko alam. That is all she is going to say on the witness stand,” ani Kapunan.
Inilutang ni Kapunan ang posibilidad na hindi naman mai-enlightened ni Duterte ang mga senator-judges.
Nilinaw ng prosekusyon na maaari pa ring tawagin ng kampo ng depensa si VP Sara bilang sariling testigo, at kung mangyari man ito, handa silang dumaan siya sa cross-examination.
Inihayag din ng prosekusyon na pormal na nilang tinatapos ang paghaharap ng kanilang mga ebidensya at kaso laban sa Bise Presidente nitong Oktubre 12, 2026.
- Latest



















