Dahil sa gulo sa Pilipinas...Cedrick Juan ayaw na ulit magkaanak!

Pina-practice ng Kapatid actor na si Cedrick Juan ang work-life balance ngayong pamilyado na siya.
Lalo na aniya at lumalaki ang anak nila ng misis niyang si Kate. “It’s very important to balance it, kasi nga siyempre may maliit na baby na naglu-look up sa iyo na, ‘Ahh si Papa! Lumalaki na ako pero andiyan pa rin iyung time niya para sa akin,’” katwiran ni Cedrick nung naka-chika namin bago nag-umpisa ang advance screening ng Mommy Guard na pinagbibidahan nina Marvin Agustin and Jolina Magdangal kung saan magiging love interest si Cedrick ni Jolina bilang karibal ng mga kaedaran ni Jolens na sina Marvin at Dominic Ochoa.
Pagpapatuloy niya : “And then ganoon din po sa asawa ko, si Kate, na ma-balance po. Na hindi lang siya puro trabaho. Iyun po ang gusto kong laging magawa sa life ko para po pag nasa bahay ako, alam ko na connected pa rin ako sa asawa’t anak.”
At aminado siya na isa lang ang plano nilang anak ng misis dahil sa mga nagaganap sa ating paligid. “Ay! Naku po, dyusko! Sa inflation po na nangyayari sa atin, sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas, sa kaguluhan ng gobyerno natin, I don’t think more than one ang baby is sustainable,” katwiran ni Cedrick.
“Kahit na po sabihin natin na bumababa ang fertility rate at birth rate ng Pilipinas. Pero dapat ayusin ng gobyerno muna iyung mga basic necessities natin para i-expect nila na okey lang sa mga Pilipino na mag-anak. Napakahirap po ng buhay ngayon,” sabi pa niya.
At bilang isang ama, may mga bagay siyang kino-consider na na-challenge siya. “I think ang pinaka-challenging po ay iyung shift from before na I’m just minding my career, myself and my immediate family. Ngayon po kasi, I have to build my own family. So iyun po iyung challenges doon. Pero masarap po siya na challenges. I think lahat naman po ng magulang, makaka-relate po sa bagay na iyon,” sabi pa ng mahusay na actor.
Dagdag pa niya : “Na parang nandoon iyung hirap ng bagong chapter sa buhay pero alam mo na magiging worth it siya eventually. Because alam mo na naging hands on ka and iyung intention mo is always there to make your family better,” diin niya.
Anyway, nang tanungin siya kung may chance kayang ma-in love siya sa kasing edad ni Jolens sa totoong buhay.
Isang sekyu siya sa Mommy Guard na magkakagusto nga sa character ni Jolens.
“Hindi ko po masasabi, kasi wala na po ako sa ganoong posisyon sa buhay ko. Pamilyado na po ako. Subjective po kasi iyung ‘magkakagusto.’ I think siguro mas parang iniidolo. Parang mga ganun kesa iyung sabihin natin na romantic.
“Parang hindi pa po ako nagkaroon ng ganoong klaseng experience sa buhay.”
Anyway, mapapanood ang Mommy Guard umpisa Oktubre 16, 2026, Biyernes, sa Netflix. Habang eere naman simula Oktubre 19, Lunes-Biyernes ng 2:30 P.M. sa TV5 at ABS-CBN platforms.
Kabilang din sa cast ng Mommy Guard sina Amo Wilding, Nathalie Apollo, Cedrick Roxanne Guinoo, Susan Africa, Soliman Cruz, Claudia Enriquez, Ruby Ruiz, Celyn David, Inah Evans, Ian Mark Kamangkang, at Tabs Sumulong under the direction of Roman Perez Jr.
Sa totoo lang, parang pelikula ang texture ng palabas.
Sa first two episodes, ang ganda ng takbo ng kuwento, may build up. Hindi magulo at susubaybayan mo talaga.
Gaganap si Jolina bilang Tina, isang nanay na gagawin ang lahat para mabigyan ng magandang future ang anak niyang si Happy (Amo Wilding). Pero bago pa man magsimula ang kanyang journey, makakasagupa muna niya si Pio (Marvin Agustin) sa isang maliit na traffic altercation na mauuwi sa isang sobrang sablay at nakakatawang first encounter.
Akala nila, doon na matatapos ang pagkikita nila. Pero nang dalhin ni Tina si Happy para kausapin ang principal ng school na gusto niyang mapasukan ng anak, doon niya malalaman na si Pio pala mismo ang principal.
At nang hindi niya kayanin ang tuition, kukunin ni Tina ang available na trabaho bilang school guard—at doon magsisimula ang araw-araw na asaran, kulitan, family problems, unexpected friendship, at baka pati love.
Pero hindi lang ito kuwento nina Tina at Pio. Ito rin ang kuwento ng isang nanay na ipinaglalaban ang pangarap ng anak niya, isang ama na gustong mapalapit muli sa anak niyang si Kitty (Nathalie Apollo), at mga batang unti-unting naiintindihan na hindi rin perfect ang kanilang mga magulang.
- Latest




















