Barbie maangas nang bumaril, sarah tinawag na unpredictable si ‘Annabelle!’

Nilaro nina Direk Darryl Yap at Sarah Lahbati sina Annabelle Rama at Barbie Imperial, ang kasalukuyang girlfriend ng ex-husband ni Sarah na si Richard Gutierrez.
Ginawa nilang manyika ang dalawa at saka pina-comment si Sarah.
Sa isang video nga na nag-viral ay tinatanong ni Direk Darryl si Sarah kung sino ang mas kinatatakutan niya, si Annabelle sabay pakita sa manyika sa pelikula na ang pangalan ay Annabelle o ang Barbie.
“Magbibigay ako sa’yo ng dalawang manyika, tapos you tell me kanino ka mas natatakot. Kanino ka mas natatakot, kay Annabelle o kay Barbie?” tanong ni Direk Darryl.
“‘Yung manyika ito ah!” paglilinaw ng direktor.
Diretsong sagot naman ni Sarah, “Si Barbie kasi na manyika, maganda. Ganda lang siya e. Nung bata ako, ‘yun ‘yung nilalaro ko.
“So I don’t think I would be scared of her.
“Pakiramdam ko mas nakakatakot si Annabelle the doll because unpredictable siya sa pelikula. Hindi mo alam ang gagawin niya.”
Effective na promo sa horror film na VHS, kung saan pinag-usapan ang takot ni Sarah pero ang nag-trending nga ay ang fictional dolls na sina Barbie at Annabelle.
Ang witty pero nag-sorry si Direk Darryl sa kampo nila Annabelle.
Saka may sagot dito ang isang malapit kina Annabelle at Barbie: “Barbie doll? Maganda! Annabelle doll? Unpredictable! Pero Ruffa’s doll? Aba, the prettiest doll on earth! May beauty, may attitude, at may Red Crown! Sus, Game over, mga doll!”
Pahabol pa nito: “Annabelle doll is iconic! Original pa, walang factory na kayang gumawa! Hindi plastic!”
Hahaha. Ang saya.
Pero walang-wala raw planong patulan ito nina Annabelle at Barbie.
Actually, si Barbie, busy sa pag-aaral sa pagbaril.
Makikita sa kanyang Instagram post na may kalakip na videos na maangas na siyang bumaril.
- Latest
























