Pinoy sa Saudi pinag-iingat sa banta sa seguridad

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng dalawang diplomatic missions ng Pilipinas sa Saudi Arabia ang mga Pilipino sa naturang bansa dahil sa patuloy na tensyon nito sa mga puwersang Houthi na kaalyado ng Iran.
Sa isang abisong inilabas noong Oktubre 9, naglatag ang Philippine Embassy sa Riyadh at Philippine Consulate General sa Jeddah ng mga hakbang na dapat gawin ng mga Pilipino bilang pag-iingat.
Ginawa ang advisory bunsod ng mga kaganapang nangyari kamakailan na may kinalaman sa seguridad.
Hinimok ang mga Pilipino na manatiling mapagbantay at alerto para sa kanilang kaligtasan at proteksiyon.
“Exercise heightened caution, avoid unnecessary exposure to potential security risks, stay indoors when necessary, particularly during security alerts,” ayon sa advisory.
- Latest

















