Tiyo, ginilitan sa leeg ng 15-anyos pamangkin
Inatado pa ng saksak
MANILA, Philippines — Walang balak na buhayin ng isang 15-anyos na binatilyo ang kanyang tiyuhin nang ito ay ataduhin ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at pagkatapos ay ginilitan pa sa leeg nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Sog-ong, Brgy.Tapon, Dumanjug, Cebu nitong Lunes ng gabi.
Kinilala ang nasawing biktima na si alyas “Mar,” 35-anyos habang ang suspek ay ang kanyang 15-anyos na pamangkin na nasa Grade 10.
Batay sa ulat ng Cebu Provincial Police Office (PPO), bago naganap ang krimen, alas-8:30 ng gabi ay matagal na umanong hindi magkasundo ang magtiyuhin sa hindi mabatid na kadahilanan.
Ayon sa salaysay ng menor-de-edad na suspek, nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo nang gabi na iyon na nauwi sa panununtok sa kaniya ng tiyuhin.
Dito ay gumanti ang suspek at bumunot ng kutsilyo at sinaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago nito ginilitan ang leeg ng tiyuhin.
Agad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang tiyuhin, subalit idineklara itong patay dahil sa matinding sugat.
Ang 15-anyos na suspek naman ay nasa kustodiya na ng mga pulis at nakatakdang iturn-over sa kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kaukulang disposisyon alinsunod sa batas para sa mga menor-de-edad.
- Latest















