^

Police Metro

VM Respicio, kumasa sa drug test; negatibo ang resulta

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Negatibo sa drug test si Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Harold Respicio batay sa resulta ng St. Luke’s Medical Center na inilabas nitong Miyerkules.

Nagpakita ng dokumento at resibo si Respicio na nagpapatunay na negatibo siya sa droga matapos sumailalim sa isang pagsusuri sa St. Luke’s Medical Center.

Si Respicio ay nagpasuri matapos magpahayag si DILG Secretary Jonvic Remulla ng hinala tungkol sa kaniyang asal sa isang nag-viral na sesyon ng Sangguniang Bayan.

Uminit ang sitwasyon sa konseho noong Oktubre 5, 2026, kung saan nagkasagutan at nagtalo si Respicio at ilang barangay captain ukol sa P66-milyong pondo mula sa tobacco excise tax.

Ayon kay Remulla, tila wala sa sarili si Respicio at para umanong adik dahil sa kanyang ginawang paninigaw sa mga pulis at ilang barangay chairman.

Una nang sinabi ni Remulla na “inexcu­sable” o hindi katanggap-tanggap ang naging asal ng opisyal kaya’t dapat itong ipa-drug test.

DRUG TEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with