Mga Pinoy na tambay, bumaba noong Agosto - PSA
MANILA, Philippines — Bumaba sa 5.3% ang unemployment rate sa bansa noong Agosto mula sa 6.0% noong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Katumbas ito ng 2.77 milyong Pilipinong walang trabaho noong Agosto, mula sa 3.14 milyong indibidwal noong Hulyo.
Kaugnay nito,umakyat sa 94.7% ang employment rate mula sa 94% noong Hulyo o katumbas ng 49.79 milyong employed persons.
Nasa 64% naman ang labor force participation rate, katumbas ng 52.56 milyong Pilipinong kabilang sa labor force.
Ayon sa PSA, kabilang sa mga industriyang nagtala ng mataas na bilang ng employment noong agosto ang Agriculture and Forestry na may dagdag na 847,000 workers construction na 390,000, at Wholesale at Retail na may dagdag na 227,000 mnggagawa.
- Latest
















