Paulo nag-solo pa-Korea, kim nag-trending!

Nag-trending kahapon si Kim Chiu.
Ito ay dahil sa kanyang endorsement na fast food chain at bag business na nagbukas ng bagong pop-up store sa Davao.
Well, parang lay low ang career ni Kim sa kasalukuyan.
Ito ay matapos makapag-bail ang kapatid niyang si Lakambini na kinasuhan niya ng 124 counts of qualified theft dahil sa diumano’y P44 million na nawala sa kanilang negosyong bag.
Rest muna si Kim sa hosting job sa It’s Showtime ganundin sa Pinoy Big Brother.
Kaya naman tuloy ang pang-iintriga sa kanyang diumano’y magiging mommy na siya kahit wala namang sinasabi si Kim at wala namang resibo ang mga nagsasabing lumalaki ang kanyang tummy.
Habang si Paulo Avelino naman ay pumunta ng South Korea para sa 21st Seoul International Drama Awards kung saan tatanggap siya ng Outstanding Asian Star award.
Anne, may pelikula na agad sa 2027
“Officially rolling,” post kahapon ni Anne Curtis kalakip ang photo na may nakasulat na “We’re Open.”
Naka-tag sa nasabing Instagram story ni Anne si Direk Mikhail Red.
Remote ang tinutukoy ni Anne sa nasabing post.
Yup, may bagong pelikula ngang ginagawa ang nag-iisang Dyosa ng ‘Pinas, si Anne.
At makakasama niya rito sina John Arcilla, Sid Lucero, Ryza Cenon, and Zeke Polina.
“So excited to be working with this actor,” sabi pa niya sa isa pang IG story na nakalagay ang photo habang rolling si John Arcilla.
Ang Evolve Studios na itinatag katuwang ng direktor na si Mikhail Red at ng Viva Films ang producer nito.
Nakatuon ang Evolve sa mga de-kalidad na pelikulang may tiyak na genre at sa mga proyektong ginagawa sa pakikipagtulungan sa ibang bansa.
Kaya asahang hindi lang sa Pilipinas mapapanood ang Remote.
Anyway, from Shanghai ay dumiretso si Anne sa Paris para sa Paris Fashion Week.
Pero dumalo lang siya sa event ng ilang selected luxury brand like Tiffany & Company, Chanel and Gucci.
Pero kahapon ay nasa It’s Showtime na si Anne at naki-Meme dance challenge na.
Wow, asan kaya ang pahinga niya?
Lovi, kinarir ang pag-ayos ng bulaklak
Super hands-on si Lovi Poe sa first birthday ng kanilang anak ng mister niyang film producer and scientist Montgomery Blencowe.
Makikita sa kanyang Instagram (IG) stories na nag-arrange siya ng flowers para sa table habang karga ang kanyang anak.
Aniya sa isang IG story “Adding party planner to my resume LOL
“Dirty feet, tired hands, and finalizing the table setting. Pretty proud of myself, not gonna lie.
“#PartyWithLovi”
Ngayong one year na ang daughter nila, ipakita na kaya nila Lovi ang face nito sa social media?
Anyway, maraming naging karanasan si Lovi sa pagiging ina. Inamin niyang dumaan siya sa isang mahirap na panganganak matapos magkaroon ng HELLP syndrome at preeclampsia.
Dahil sa mga komplikasyong ito, hindi niya agad na-enjoy ang pagkakarga sa kanilang bagong silang na anak na babae.
Inamin din ni Lovi na groggy siya matapos manganak, kaya nag-decide siyang maghintay muna hanggang sa maging mas gising bago niya kargahin ang kanyang sanggol.
Dahil daw sa kanyang kondisyon, nanatili siyang nakahiga sa sa loob ng ilang araw, kung saan nahirapan siyang magising.
- Latest




















