^

PSN Showbiz

Ina nina Carlos at Rene, pang-asar ang pagkikita

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ina nina Carlos at Rene, pang-asar ang pagkikita
Angelica Yulo at Rovelyn.
STRA/ File

Viral din ang meet-up nina Rovelyn Baterbonia, ang ina ng yumaong student-athlete na si Rene Baterbonia, at si Angelica Yulo, ang ina ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Pinag-usapan ang dalawang kontrobersiyal na ina sa kasalukuyan  matapos nilang ibahagi sa Facebook ang mga souvenir photos  ng kanilang  pagkikita, kung saan naka-flex na masaya silang kumakain sa isang restaurant kasama ang iba pang mga kasama.

Nagbahagi si Rovelyn ng isang selfie kasama si Angelica at nilagyan ito ng pang-asar na caption na, “Basher attack”

Sa isa pang set ng photos ni Angelica ay makikitang nakangiti silang dalawa habang nakapatong ang kamay ni Rovelyn sa braso ni Angelica at  kumakain.

At caption naman niya :  “FINALLY!!!!!”

Bongga, pinag-usapan talaga sila.

Kanya-kanyang interpretation ang netizens sa kanilang pagkikita.

Nakilala si Rovelyn sa online community matapos malunod ang kanyang anak na si Rene noong Hunyo 2026 habang nasa Aurora kasama ang mga ka-teammate sa Ateneo basketball team.

Habang naging sentro rin ng usap-usapan si Angelica dahil sa malalang away nila ng anak na si Carlos kung saan mas pinaboran nito ang  ngayon ay kanyang fiancée na si Chloe San Jose.

Kaya naman sumikat talaga ang dalawang nanay ng mga atleta.

Ito ang unang pagkakataon na nagkita sila ng personal.

ANGELICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with