Dennis, pino-promote ang Cannabis sa kanyang barong

Sa kanyang speech pagkatapos matanggap ang two trophies galing sa MMPRESS dahil isa siya sa mga aktor na tumanggap ng 2026 Dekada Awards, nag-punchline si Dennis Trillo ng “sayang, hindi ko dala ang bag.” Na-gets agad ng audience ang gustong tukuyin ng aktor at nagkabiruan.
Ang bag na tinukoy ni Dennis ay ang red tote bag na gamit niya sa isa niyang post at kung saan, pinaglaruan ang salitang “Ambag.” Nang makalapit kami sa aktor, nabanggit namin na sold out ang mahal na tote bag at “Oo nga” ang sagot na nakangiti.
Samantala, aliw ang ibang netizens dahil ang suot na Barong Tagalog ni Dennis ang pinuna.
May picture kasi ng marijuana sa suot ng aktor at tanong agad ng mga netizens kung user siya ng weed at ipino-promote niya ito.
Mabuti at may nakaalala sa old interview ng aktor at sa nasabing interview, isinusulong niya ang paggamit ng Cannabis Sativa for medical purposes.
Tila may nagkasakit sa pamilya ni Dennis at naniniwala siya na makatutulong ‘yun para mabilis gumaling ang kapamilyang may sakit.
Hindi lang namin alam kung gumamit nga sila ng Cannabis Sativa.
Paolo, todo bonding sa mga anak sa Cebu
Masaya ang pusong ama ni Paolo Contis pagkatapos niyang manggaling ng Cebu to visit his two daughters. Chance rin niya ang pagbisita sa Cebu para muling maka-bonding ang mag-asawang Lian Paz at asawa nitong si John Cabahug.
Ang first photo nga na pinost ni Paolo, sila ni John ang magkasama at nag-grocery sa S&R Cebu. Sumunod na ang larawan niya with his daughters.
“My week in Cebu...
“Nagpalinis muna ako ng dugo! Thank you @kaye_abad and @pauljake_castillo for my EBOO Treatment! I feel so clean and full of energy after!
“Eh after linisin ang dugo, pina tattoan naman ako ni Abad! Iba talaga!
“Pero para sa aking totoong pakay sa Cebu... bonding with my beautiful kids! Thank you so much @liankatrina and @johncabahug87 sa orasm sa samahan, at sa kuwentuhang laging bitin! My heart is always full when I’m with all of you. See you all very very soon for our next family time!”
Nakakatuwa ang comment na “May “ang bag” na sya,” at sinundan ng “May ambag na po sya ngayon! Sana minsan ung anak nya kay LJ ang makasama niya. Hindi pa huli ang lahat.”
Hindi lang natin alam, siguro naman gumagawa ng paraan si Paolo para makita si Summer o kaya magkaroon sila ng komunikasyong mag-ama.
Gelli at Candy, iniintriga?!
May mga nang-iintriga sa magkaibigang Gelli de Belen at Candy Pangilinan. Hindi raw kaya ng conflict ang dalawa dahil sa magkaiba nilang POV sa isyu ni Patrick Garcia?
Sa talk show ng Kalurks ng GTV, may opinyon si Candy at sabi nito, “Sana pinuntahan muna niya si Jennylyn bago siya nagsalita at inayos nang tahimik. Sana kinilala niya si Jazz, Jazz is a child, is a neurodivergent and will always be a child.”
Iba ang opinyon ni Gelli rito, but in fairness, pareho sila nang paniniwala ni Candy na dapat priority ang mga bata.
Anyway, matagal ng friends sina Gelli at Candy at siguradong hindi nila pag-aawayan ang isyu ni Patrick kina Jennylyn at Jazz.
Mabuti ring pag-usapan nila ang tungkol dito sa kanilang podcast para malaman ang kani-kanilang opinyon. Isama na rin nila sina Carmina Villarroel at Janice de Belen na kasama nila sa podcast.
- Latest

























