^

Probinsiya

4 katao dedo sa Elf truck na nawalan ng control

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4 katao dedo sa Elf truck na nawalan ng control
Southern Leyte as seen on Google Maps.
Google Maps / Philstar.com screenshot

MANILA, Philippines — Apat katao ang iniulat na nasawi habang ma­rami pa ang nasugatan makaraang maaksidente ang truck na kanilang sinasakyan sa Brgy. Tubod, Silago, Southern Leyte noong Sabado, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga nasawi sa mga pangalan lamang nilang “Manny”, 39-anyos ng Abuyog, Leyte; live-in partner nitong si Mary, 25; Sally, 45, barangay official at Charry, 45; pawang ng Brgy. Maitum ng nasabing bayan.

Ang mga nasugatan ay mabilis na isinugod sa Abuyog District Hospital sa Abuyog, Leyte.

Sa report ng Southern Leyte Provincial Police Office, ang apat na biktima ay pawang dead-on-the spot sanhi ng matitinding sugat na tinamo sa katawan.

Ayon sa imbestigas­yon, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Manny sa minamaneho nitong kulay pulang Isuxu Elf truck habang pababa sa pababang pakurbadang parte ng nasabing highway.

Ang nasabing behikulo ay bumaligtad sa insidente na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima .

Nagresponde ang mga operatiba ng pulisya sa crash site na mabilis na sinaklolohan ang mga sugatang biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan.

LEYTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with