^

Dr. Love

Paano mapapanatili ang tiwala kahit magkalayo?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Mirna. Engineer po ang mister ko at ilang taon na kaming nagsasama. Sanay na ako na may mga assignment siyang kailangang puntahan, pero ngayon ay na-assign siya sa Mindanao. Ibang iba po ang pakiramdam dahil mas malayo ito at hindi ko alam kung gaano siya katagal mawawala.

Masaya ako dahil magandang oportunidad ito para sa kanyang trabaho, pero bilang asawa, hindi ko maikakaila ang lungkot at pangamba. Sanay akong kasama siya sa araw-araw, kaya naiisip ko kung paano namin haharapin ang matagal na pagkakawalay.

Ayokong maging hadlang sa kanyang career, pero gusto ko ring mapanatili naming matatag ang aming pagsasama kahit malayo siya. Dr. Love, paano ko po haharapin ang pagbabagong ito at mapapanatili ang tiwala at pagmamahalan namin habang siya ay nasa Mindanao?

Mirna

Dear Mirna,

Natural lamang na makaramdam ka ng lungkot at pangamba dahil malaking pagbabago ang malayong assignment ng iyong asawa. Pero tandaan mong bahagi ito ng kanyang propesyon at hindi nangangahulugang kaila-ngan niyang lumayo sa inyong pamilya.

Sa halip na pangamba ang pairalin, pa-lakasin ninyo ang tiwala at komunikasyon. Ang tunay na pagmamahalan ay hindi nasusukat sa layo ng pagitan, kundi sa katapatan at tiwalang pinangangalagaan ng dalawang taong nagmamahalan.

DR. LOVE

ASAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with