^

Bansa

PANOORIN: Flood control, shabu reports binanggit sa transactions ni VP Sara

Martin Ramos - Philstar.com

MANILA, Philippines — Dalawang transaksyon noong 2019 na may kaugnayan kay Vice President Sara Duterte ang na-flag sa suspicious transaction reports (STRs) na tumukoy sa mga ulat tungkol sa flood control controversy, ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Sa impeachment trial nitong Lunes, binasa ni AMLC Executive Director Ronel Buenaventura ang dalawang ulat na may petsang Hulyo 4 at Nobyembre 15, 2019, na may kinalaman sa premium payments sa Mercantile Insurance Company Inc.

Ayon kay Buenaventura, “graft and corrupt practices” ang inilagay na dahilan ng institusyong naghain ng mga ulat sa pag-flag sa naturang mga transaksyon.

Binanggit din sa mga STR ang mga news report na naglalaman ng listahan ng mga indibidwal at kumpanyang umano’y sangkot sa isyu ng flood control projects ng Department of Public Works and Highways.

Ang pagkakabanggit sa mga naturang ulat ang nag-udyok sa paghahain ng suspicious transaction reports.

Bahagi ang mga ito ng 34 STRs na may kaugnayan kay Duterte sa AMLC records mula 2007 hanggang 2025. Sinabi ni Buenaventura na may hiwalay pang 30 STRs na may kaugnayan sa asawa niyang si Manases Carpio.

Ang STR ay inihahain sa AMLC ng mga bangko, insurance company at iba pang covered institutions kapag may transaksyong tumutugon sa mga batayan para maituring itong kahina-hinala.

Gayunman, ang pagkakaroon ng STR ay hindi mismo direktang ebidensya na may nagawang krimen o paglabag ang taong sangkot sa transaksyon.

Kinuwestiyon naman ng defense ang kaugnayan ng dalawang transaksyon noong 2019 sa pagtukoy sa yaman ni Duterte.

Iginiit ng prosecution na inihaharap nito ang mga ulat upang magpakita ng pattern. Pinayagan ni impeachment trial presiding officer Chiz Escudero na magpatuloy ang pagtatanong. — Martin Ramos

FLOOD CONTROL SCANDAL

IMPEACHMENT TRIAL

MANS CARPIO

SARA DUTERTE

SARA DUTERTE'S IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with