^

Bansa

Bribery case vs VP hindi na ilalatag sa impeachment trial

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinal na ang desisyon ng prosecution panel na hindi na ihaharap sa Senate impeachment trial ang alegasyon ng panunuhol o bribery na kabilang sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni House prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua na napagkasunduan ng prosecution panel na huwag nang isama ang bribery article sa mga ipiprisintang ebidensya at testigo dahil naniniwala silang sapat na ang mga naihandang ebidensya at testimonya para sa tatlong iba pang Articles of Impeachment. Layunin din nitong pabilisin at paikliin ang paglilitis upang agad na makarating sa pagbibigay ng hatol.

“Sa tingin namin, tatlo na ang napatutunayan namin at sa tingin namin ay sapat na iyon,” pahayag ni Chua. Dagdag pa niya, makatutulong ito upang hindi na umabot hanggang sa susunod na taon ang paglilitis.

Nahaharap si Duterte sa mga reklamong culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust, kabilang ang alegasyong panunuhol sa ilang opisyal ng DepEd noong siya pa ang kalihim nito mula 2022 hanggang 2024.

Nauna nang inilatag ng prosecution team ang Article IV (grave threats) at Article I na may kaugnayan sa umano’y iregularidad sa paggamit ng P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at DepEd.

Binigyang-diin naman ni Chua na ang hindi pagsasama ng bribery article sa paglilitis ay hindi nangangahulugang mahina ang kanilang ebidensya kaugnay nito. Aniya, nais lamang ng prosecution na maging mas mabilis at episyente ang proseso upang maabot agad ang hatol sa impeachment case laban kay Duterte.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with