^

Metro

Grupo ng riders, nanawagan ng patas sa NCAP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang riders group na Kapatiran sa Dalawang Gulong (KAGULONG) ng mas episyente, patas at transparent na pagpapatupad ng Local Government Unit-led No Contact Apprehension Policy (NCAP) na muling­ ipatutupad sa Metro Manila simula ngayong araw.

Ayon kay KAGULONG Secretary General Don Pangan, suportado ng grupo ang NCAP dahil makatutulong ang teknolohiya sa mas mabilis at maginhawang paghuli sa mga lumalabag sa batas-trapiko nang hindi na kailangang harangin sa kalsada ang mga motorista. Gayunman, iginiit niyang dapat tiyaking maayos ang sistema at napoprotektahan ang karapatan ng mga motorista.

Sinabi ni Pangan na una nang nanawagan ang KAGULONG para sa suspensiyon o TRO sa dating NCAP upang matugunan ang mga naging problema at abala sa implementasyon nito. Hinikayat din niya ang mga lokal na pamahalaan na pag-aralan ang matagumpay na pagpapatupad ng katulad na sistema sa ibang bansa bago at habang isinasagawa ang bagong NCAP.

Iminungkahi rin ng grupo sa mga LGU at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbuo ng isang consolidated web portal kung saan maaaring tingnan ng mga motorista sa iisang website kung mayroon silang naitalang traffic violation at kung paano ito maaayos o mababayaran.

Nanawagan din ang KAGULONG sa Kongreso na ipasa ang Fair Traffic Apprehensions Law na magbibigay sa mga motorista ng malinaw na karapatang umapela sa mga maling apprehension at reimbursement sa gastusin sa proseso ng apela at pagdinig. Ayon kay Pangan, mahalaga ang naturang mekanismo upang matiyak na kasabay ng pagpapatupad ng NCAP ay napangangalagaan din ang karapatan ng mga motorista.

NCAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with