^

PSN Showbiz

Nour, tuhog sa Busan at Cannes Filmfest!

Anna Pingol - Pilipino Star Ngayon
Nour, tuhog sa Busan at Cannes Filmfest!
Nour.
STAR/ File

Si Nour Hooshmand ang itinanghal na Panalong Pangalawang Aktres sa Student Shorts Category ng katatapos lang na Puregold CinePanalo Film Festival 2026. Ito ay para sa pelikulang Starfish.

But by the time na lumabas ang artikulong ito, malamang ay nasa Busan, South Korea na ang aktres. A-attend kasi siya sa Busan International Film Festival, kung saan kalahok ang dalawang pelikula niya, ang satirical dramedy na Filipiñana at punk dramang Ria, na incidentally ay kapwa co-produced ng Nathan Studios nina Sylvia Sanchez and family.

Kung sa Cannes Film Festival – kung saan nag-world premiere at nakasali for competition for the Short Film Palme d’Or ang pinagbidahan niyang Agapito last May—ay lima ang bitbit n’yang gowns kabilang ang Mark Bumgarner piece na ini-sponsor ng kanyang BuyBust: The Undesirables co-star na si Anne Curtis, ay parang sing-dami rin ang dadalhin niya sa Busan. At na-curate na raw nila ng kanyang mga kaibigan ang mga ito. Major collaborator n’ya ang emerging designer na si Antonina na mukhang pasabog ang mga ginawa for her red-carpet looks.

Dalawa raw kasi ang major red-carpet events ang rarampahan niya, ang opening ceremony at ang award’s night. Tapos ay may premiere rin doon ang Ria at a-attend din daw siya sa Q&A sessions ng Filipiñana.

Ang bongga ng filmography ni Nour, ha. At literal na ang layo na ng narating niya. Mula sa pagiging theater student sa UP na naka-cross over both sa indie films at mainstream movies, parampa-rampa na siya ngayon sa international filmfests. Who knows, baka makasama rin siya sa rampahan sa 99th Oscars kung saan official Philippine entry for Best International Feature Film ang Filipiñana.

Indeed, she’s already made a name for herself. Pero marami pang pangarap si Nour sa loob ng film industry. “Gusto ko lang po talaga to keep doing this hangga’t kaya ko... umarte at tumulong din sa mga aspiring artista at mga filmmakers na bigyang-buhay ang mga nai-imagine nilang kwento.”

Eventually, gusto rin daw sana niyang makapagsulat at makapagdirek ng sarili niyang pelikula. At bilang paghahanda, sumali na siya sa writing workshop ng National Artist na si Ricky Lee kamakailan. Batch 30 raw siya.

Sayang lang dahil kung kelan bumobongga na ang acting career at plano pa nga niyang mag-level up later as writer/director, saka naman siya iniwan ng kanyang fiercest believer and Number 1 fan, ang kanyang Iranian dad na pumanaw lang recently habang ginagawa niya ang pelikula niyang Ria. “La­ging sinasabi niya sa akin na ‘Wala akong doubt na mararating mo ‘yung gusto mong marating at kung marating mo ‘yon, just speak about love.’ ‘Yon lang ang bilin niya sa akin.”

Her Iranian lineage ang dahilan kung bakit kakaiba ang pangalan niya na minsan na rin daw niyang pinag-isipang palitan ng screen name. “Kasi hirap na hirap ‘yong mga tao na i-pronounce,” natatawang tsika sa amin ni Nour. “Pero kasi, gusto ko rin pong i-honor ‘yong Persian roots ko. ‘Yong pangalan na Nour, tatay ko po ‘yong nagbigay sa akin. Nour po kasi, ang ibig sabihin niyan ay light in Persian. And ‘yan din po ang pangalan ng lola ko na nanay ng tatay ko.”

Hindi pa raw siya nakakapunta sa Iran dahil laging magulo ang sitwasyon doon. Lalo pa ngayon. Pero pangarap daw talaga niyang ma-explore ang kanyang Persian heritage someday.                   

NOUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with