Jeo Ong, tinilian sa Ozamiz

Libu-libong fans ang dumagsa sa Asenso Ozamiz Wellness Park sa Ozamiz City nang ipakilala ang OngFam star at sikat na digital personality na si Jeo Ong bilang pinakabagong endorser ng Purple Yam.
Umulan ng sigawan at tilian mula sa fans na nakiisa sa biggest celebration sa mismong lungsod kung saan nagsimula ang kuwento ng brand.
Paglabas pa lang ni Jeo, ramdam na agad ang energy ng crowd!
Mainit siyang sinalubong nina Purple Yam founder and president Oyos Mendoza at fellow celebrity endorser na si Pokwang. “I’m grateful to Jeo for believing in what we built. Experiencing the incredible reception he got in Ozamiz makes this partnership even more special.”
Pero hindi lang si Jeo ang bagong pasabog ng Purple Yam that night!
Inilunsad din ang kanilang latest Pistachio Collection na kinabibilangan ng Frozen Pistachio Brazo de Mercedes, Ube Pistachio Messy Cup at Pistachio Kataifi Brownies.
Ang bonggang launch ay concept ni comedian Pooh, na bilang Chief Marketing Officer nito na nanguna sa paghahanda ng event.
Hosted by ABS-CBN entertainment journalist MJ Felipe, nakisaya rin ang iba pang Purple Yam ambassadors na sina Mommy Jupeta, Bisaya Squad at Magno Twins.
Pero bukod sa Jeo-mania, naging emotional at special din ang celebration para kay Oyos at sa buong Purple Yam family dahil dito mismo sa Ozamiz nagsimula ang kanilang pangarap.
- Latest
























