^

Pang Movies

Baron, sinabing maayos ang kalagayan

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Baron, sinabing maayos ang kalagayan
Baron Geisler
STAR / File

Parang may rebuttal si Baron Geisler matapos niyang tiyakin sa kanyang followers na maayos ang kanyang kalagayan at aniya sa kasalukuyan ay naglalaan siya ng oras para sa kanyang pamilya at malapit nang bumalik sa showbiz.

Aniya, “magkikita-kita tayo agad,” banggit niya sa isang reel sa Instagram last Thursday.

Sabi niya pa, malapit na siyang mag-shooting ng pelikula pero hindi pa raw pwedeng sabihin kung sinong kasama mga niya.

At ‘yun na nga, parang sinagot na niya ang sinabi ng kanyang misis na si Jamie Evangelista na nagpapagaling siya sa treatment facility.

Sa nasabing video, tinawanan niya ang tinawag niyang “false news” o maling balita, pero wala siyang ibang ibinigay na detalye tungkol sa kanyang binanggit.

Dagdag pa niya, “Oo, maayos ako at kaya ko naman, at nagpapasalamat na kasama ko ang mga anak ko. Salamat sa inyong pagmamalasakit.

“Gusto kong malaman ninyo na maayos at ligtas ako. Nasa bahay ako at kapiling ang aking pamilya,” words to that effect na sabi niya. “Mabuti ang Diyos at malapit na ulit akong maging abala.”

Bagama’t hindi niya binanggit ang pangalan ng misis, parang may nabanggit siyang Jam o Jamie ba ‘yun.

Last July ay naging usap-usapan din ang ipinahiwatig ni Jamie na tila bumalik sa bisyo ang aktor at sinabihan nitong humanap ng “drug rehabilitation sponsor” habang nasa derma clinic ang mister.

Last September ay naglahad si Jamie ng isang situation sa isang cryptic post. Itinanong niya kung normal o katanggap-tanggap ba na ang personal assistant or household helper ay kasama sa kama ang kanilang may-asawang employer. “Is it normal for an alalay/maid/PA to sleep in the same bed as her married employer?

“Morally acceptable? Asking for a confused wife.”

Walang narinig na sagot kay Baron hanggang nagpa-interview si Jamie kay Dolly Anne Carvajal for The Philippine STAR at doon nga niya nabanggit na diumano’y nasa treatment facility ang actor.

BARON GEISLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with