7 minero patay sa gas poisoning

MANILA, Philippines — Pitong minero ang nasawi sa naganap na gas poisoning sa loob ng tunnel portal ng isang small scale mining sa Sitio Dontog, Brgy. Ampucao, Itogon, Benguet nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 30.
Nakilala ang mga nasawi na sina Bryan Campoas Madrid, 18; Kenjie Igaan Mangayen, 19; Orviel Kiwingan Valdez, 22; Crisanto Igaan Gapacan Jr.,19; Hill Limong Padon, 25; at Alvin Lazaro Daniel, 21 pawang taga-Brgy. Bana-ao, Tadian, Mountain Province; at Leonardo Bacuteng Pino, 62, ng Cagayan Valley.
Ayon sa provincial government ng Mountain Province, agad na nagsagawa ng emergency retrieval operation kung saan bandang alas-11:00 ng umaga nitong Huwebes, Oktubre 1, nakuha ang bangkay ng pitong biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang sanhi ng insidente na humantong sa hinihinalang pagkalason sa gas ng mga biktima.
Nagpaabot ng pakikiramay ng provincial government ng Mountain Province sa mga pamilya ng mga nasawi at tiniyak ang patuloy na pagbibigay ng kinakailangang suporta at tulong. — Artemio Dumlao
- Latest
















