FL Liza, paulit-ulit ang love it’ sa Bongga Ka ‘Day!

Atasha, youngest recipient ng Women of Style and Substance ng PeopleAsia!, Andres, nasa Spain para sa biking tournament!
Enjoy na enjoy si First Lady Liza Marcos nang manood siya ng Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical.
At tatlong beses niyang binanggit kay Sir Miguel Belmonte na “I love it.”
At nang dumaan daw ito sa harap niya during the intermission and after the show, ‘yun din ang sinabi ni FL Liza kay Sir Miguel, President and CEO of PhilStar Media Group na kabilang sa producer ng BKD: The Annie Batungbakal Musical.
Actually, hindi lang si FL Liza ang nag-enjoy at nagustuhan ang BKD na pinagbibidahan ni Atasha Muhlach bilang si Annie na youngest recipient ng PeopleAsia magazine’s Women of Style and Substance 2026 award na ginanap noong isang gabi. “I feel very, very honored and very blessed,” sabi ni Atasha pagkatapos niyang tanggapin ang nasabing award last Tuesday night.
“I feel nothing but gratitude about this recognition. This is another dream-come-true getting this award. Living in this present moment, I am so grateful. This is something that I didn’t expect.
“To receive something like this is something I will treasure forever. I want to really say I am living my dream right now. The person I am today and way that my parents brought me up, I have nothing but gratitude to my parents,” sabi pa ni Atasha na isa sa kambal nina Aga Muhlach and Charlene Gonzalez, kakambal si Andres.
Natanggap niya ang nasabing pagkilala habang pinupuri ang kanyang pagganap sa papel ni Annie Batungbakal na second week nang ipinapalabas sa Newport Performing Arts Theater.
Ang pagganap bilang Annie Batungbakal ay maituturing na isang “full circle moment” para sa kanya. Gumaganap siya nang apat na beses sa isang linggo. Oo at mayroon siyang ‘understudy,’ hindi pa niya ito kinailangang gamitin.
Aniya, kung sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari, malamang daw na sumalang ito.
Sa ngayon ay sobra ang pasasalamat ni Atasha na naranasan niya at nakasama ang mga taong nagturo sa kanya kung paanong maging mabuti sa trabaho, suporta at pagmamahal. Napakaraming bagay daw ang matututunan niya rito.
Particular niyang pinasalamatan ang lahat ng nagpapakita at nagpaparamdam ng positive energy at sa lahat ng mga ‘anghel’ sa kanyang paglalakbay bilang si Annie Batungbakal.
At sa ngayon, masayang-masaya si Atasha na makita ang reaksyon ng mga tao – makita ang mga manonood na pumapalakpak at naghihiyawan.
Wala na raw siyang mahihiling pa. Dahil iyon daw talaga ang dahilan kung bakit niya gustong gawin ang Annie Batungbakal noong una pa lang.
At ang makita raw ang pamilya niya na nanonood, ang makita ang reaksyon ng mga tao, at ang mag-focus sa kabutihan at sa lahat ng positibong bagay—ang suporta at pagmamahal. Iyan daw talaga ang nagpapasaya sa kanya.
Nauna nang sinabi ni Aga na nakita naman niya ang sakripisyo ni Atasha kaya totoo namang mahusay itong nagampanan ni Atasha.
Sabi ni Atasha, masarap sa pakiramdam na makita ang tatay niya mula sa mga manonood na nagbibigay ng ‘thumbs up’ at nakangiti. Ramdam na ramdam daw niya ang suporta ng amang si Aga at inang si Charlene.
Hindi pa napapanood ng kanyang kapatid na si Andres ang kanyang pagtatanghal bilang Annie Batungbakal. Nasa Spain pala kasi si Andres para sa isang biking tournament.
Samantala, ang iba pang awardees sa ng Women of Style and Substance 2026 ay sina Rappler executive editor Glenda Gloria, mayor of Alcala, Cagayan lawyer Tin Antonio, head of design at SM Prime Holdings Jessica Sy, Justice Undersecretary Margarita Gutierrez, CEO of LMT Packaging Corporation Shyla Tan, astrophysicist and scientist Dr. Reinabelle Reyes, chef Quenee Villar and medical specialist Dr. Nelda Eufemio. International Olympic Committee board member Mikee Cojuangco-Jaworski was unable to attend.
- Latest





















