^

Metro

Mag-ina natagpuang naaagnas sa loob ng bahay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaagnas na ang katawan ng isang mag-ina nang matagpuan sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-9 ng gabi nitong Miyerkules (September 30) nang madiskubre ang bangkay nina alyas “Charina”, 53, at alyas “Dolores”, 83, may asawa, kapwa nakatira sa Ilang-Ilang St., San Pedro 9 Subdivision, Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Batay sa imbestigas­yon ni PSSg Wilbur Ramos, bago matagpuan ang mga bangkay ng mag-ina ilang araw na umanong nakakaamoy ng masangsang na amoy mula sa pa­ligid ng bahay ang kanilang mga kapitbahay.

Pinuntahan nila ang bahay, kumatok sa gate, at tinawag sa pangalan ng mag-ina ngunit walang sumagot.

Agad na nagtungo ang security guard na nakilalang si alyas “Daguman” sa bahay ng mag-ina at doon ay nakumpirma niyang may masangsang na amoy na nanggagaling sa nasabing bahay. Iniulat ng guwardiya ang insidente sa kanilang mga opisyal na barangay at sa mga awtoridad.

Pagdating ng mga awtoridad ay sinilip nila ang bintana ng bahay at doon ay tumambad sa kanila ang mga biktima na kapwa walang saplot sa katawan at halos naaagnas na malapit sa pintuan.

Dumating ang SOCO Team mula sa QCPD Forensic Unit at sa pagsusuri, posible umanong ilang araw nang patay ang mag-ina dahil nasa early stage of decomposition ang mga ito.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with