^

Probinsiya

Magkapatid na senior, kinatay ng pamangkin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Magkapatid na senior, kinatay ng pamangkin
Naitala ang krimen sa tahanan ng magkapatid na biktima dakong alas-4 ng hapon sa nasabing lugar.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Dahilan umano napagbintangang magnanakaw, pinaslang sa saksak at taga ang magkapatid na senior citizen ng 32-anyos ng mga itong pamagkin sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Paruddun Norte, Aparri, Cagayan noong Lunes, ayon sa ulat kahapon.

Naitala ang krimen sa tahanan ng magkapatid na biktima dakong alas-4 ng hapon sa nasabing lugar.

Ang magkapatid na biktima ay isang 85-anyos na matandang babae at kapatid nitong 75-anyos na lalaki.

Base sa imbestigasyon, pumasok ang suspect na may bitbit ang matalim na itak sa tahanan ng dalawang biktima.

Isang batang menor-de-edad ang nakasaksi na dinaluhong nang saksak at taga gamit ang itak ng suspect ang matandang babae na duguang napalupasay sa insidente.

Samantalang matapos ito ay sumunod namang pinasok ng suspect sa silid ang tiyuhing matanda na nakahiga sa kuwarto na pinagsasaksak at pinagtataga rin nito ng saksak at taga.

Inihayag sa pulis na matapos masaksihan ang krimen ay tumakbo naman ang menor-de-edad na humingi ng tulong.

Nagresponde naman ang mga elemento ng pulisya sa crime scene ang mga operatiba ng pulisya at kusang sumuko ang suspect.

Sa presinto, inamin ng suspect ang krimen na nasa impluwensya siya ng alak at sinabing nagawa lamang niyang paslangin ang mga biktima dahilan sa matinding sama ng loob sa dalawang matanda dahilan pinagbibintangan umano siyang magnanakaw.

CAGAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with