^

Metro

Remulla: TBS kalat na sa Metro Manila, 78 probinsiya

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalat na umano sa lahat ng local government units (LGUs) sa Metro Manila at 78 lalawigan sa bansa ang True Brown Style (TBS), isang community-based criminal group na nagre-recruit umano ng mga kabataan, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Sinabi ni Remulla na nagmula sa California, United States ang TBS at nakarating sa Pilipinas may 25 taon na ang nakalilipas bilang maliit na samahan bago umano lumaki bilang criminal syndicate. Karamihan sa mga miyembro nito ay nasa early 20s at naka­tuon ang operasyon sa mga urban center.

Ayon kay Remulla, target umano ng grupo ang mga kabataang edad 14 hanggang 15 na hinihikayat na gumawa ng krimen, kabilang ang pagnanakaw sa mga business establishment. Ginagamit din umano ang pagnanakaw sa convenience stores bilang bahagi ng initiation rites.

Sinabi ni Remulla na “extremely alarming” ang paglawak ng TBS kaya inatasan umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga awtoridad na kumilos laban dito. Nagtutulungan na ang Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement units upang matukoy at maaresto ang mga ­miyembro ng grupo.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with