^

Probinsiya

Mister nakuryente, swak sa hinuhukay na libingan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mister nakuryente, swak sa hinuhukay na libingan
Kinilala ang biktima sa pangalan lamang nitong Roger na idineklarang dead-on- arrival sa pagamutan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Mistulang naghukay ng sariling himlayan ang isang 33-anyos na mister makaraan makuryente at aksidenteng mahulog sa hinuhukay na libingan sa isang pribadong sementeryo sa Kabankalan City, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ang biktima sa pangalan lamang nitong Roger na idineklarang dead-on- arrival sa pagamutan.

Sa ulat ng Kabankalan City Police, nangyari ang insidente sa isang pribadong sementeryo sa nasabing lungsod kamakalawa habang naghuhukay si Roger at kasama nito ng libingan para sa mga ihihimlay na patay sa pribadong sementeryo na pinagtratrabahuhan nito.

Sinasabing gumamit si Roger at kasama nitong obrero ng submersible pump para tanggalin ang tubig ulan na naipon sa kanilang lupang hinuhukay na libingan. Gayunman, aksidenteng nakuryente si Roger habang inaayos ang submersible pump bunsod upang tuluyan siyang mahulog sa hukay na puno pa ng tubig ulan.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero nabigo nang maisalba ang buhay nito.

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with