Bahay ni ex-Speaker Velasco sa Valle Verde, sinalakay ng NBI

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-raid sa ilang bahay na may kaugnayan kay dating House Speaker Lord Allan Velasco na tinukoy ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso na binili para pagtaguan umano ng milyun-milyong pera.
Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na naganap ang raid ilang linggo bago pa ang paglantad ni Gracioso, gamit ang search warrants noong Agosto 24, 2026 sa Valle Verde Subdivision, sa Pasig City kaugnay sa intelligence information na maraming ilegal na matataas na kalibre ng baril.
Sinabi ni Matibag na hindi nila alam na pag-aari pala nina Velasco at ng asawa niyang si Rowena ang mga ari-arian dahil mga empleyado nila at isang kumpanya ang nakapangalang may-ari ng mga bahay, bagama’t hindi binanggit kung ilang bahay ang tinutukoy.
Naunang iniulat ng Bureau of Immigration ang paglabas ng bansa ni Velasco noong Aug. 30. Lumipad naman pa-Hong Kong ang asawa niyang si Rowena noong Sept. 24.
Kasalukuyang nasa gitna ng kontrobersya si Velasco dahil sa alegasyon ni Gracioso, na nagsabing kasama siya sa mga naghatid ng milyun-milyong pera sa ilang miyembro ng pamilya Duterte.
- Latest















