^

Police Metro

16-anyos dalagita tinodas ng bilas na lover

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 16-anyos na dalagita ang natag­puang patay sa madamong lugar ng likuran ng kanilang bahay sa Sitio Alvarez, Zone-4, Brgy. Tariric, Minalabac, Camarines Sur, kamakalawa ng mada­ling araw.

Batay sa ulat, nakatanggap ng tawag ang pulisya, alas-5:00 ng umaga tungkol sa pagkakatagpo sa bangkay na kinilalang si alyas “Anna” na may sugat at gasgas sa leeg na pinaniniwalaang siyang ikinasawi.

Naaresto naman  ang suspek na si alyas “Donald,” 22-anyos, na kinakasama nito, alas-4:00 ng hapon.

Nagpunta ito sa tanggapan ng Integra­ted Bar of the Philippines sa Naga City at nagbigay ng kanyang sinumpaang salaysay sa mga abogado.

Hindi pa ibinunyag ang naging motibo nang pamamaslang at paano niya pinatay ang kinakasamang minor na napag-alaman na kanyang bilas.

Isinailalim na sa autopsy ang bangkay para matukoy ang naging sanhi ng pagkamatay nito habang inihahanda ang kaso laban sa suspek.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with