Showbiz couple, plantsado na ang kasal
NAKIUSAP ang source namin na huwag munang pangalanan ang isang showbiz couple na mauuwi na sa kasalan ang relasyon.
February next year pa ang kasal. Wala pa kasing posting sa social media accounts ng couple kaya wala pang ibang details.
Pero sa isa pang source, engaged na raw ang dalawa. Hindi naman ipinagkakaila ang relasyon.
Mas sikat si boy kesa kay girl na nakagawa na rin naman ng pangalan sa TV at movies.
Gerald, may palaro sa Maynila
DADALHIN sa Maynila ang 3X3 basketball tournament ng aktor na si Gerald Anderson.
Wala namang naging problema kay Manila Mayor Isko Moreno sa project na ito ni Gerald na sa Maynila napiling gawin.
Hahanapan at isasaayos ang lugar na pagdarausan ng torneo.
Katulong sa proyekto ang Department of Tourism, Culture and Arts of Manila sa pangunguna ni Director Cristal Bagatsing at Manila Sports Council headed by Director Dale Evangelista para sa programa.
AshDa, tanggap ng fans
PAHINGA muna ang AshDres loveteam sa pagsilang ng AshDa or AshVid.
Ang Sparkle artist na si David Licauco ang bagong lalaki ng Viva artist na si Ashtine Olviga!
Isang big reveal ang naganap nung Lunes para sa bagong Viva One series na Philippine adaptation ng Korean’s beloved series na Fight For My Way.
Kasama sa Pinoy cast ng series nina Ashtine at David sina Aubrey Caraan at McCoy de Leon. Si Crisanto Aquino ang director.
Bibigyan ng bagong Filipino interpretation ang kuwentong minahal ng mga manonood sa buong mundo.
Eh aprubado sa fans ni Ashtine na si David ang bagong kapareha ng idolo after Andres Muhlach.
Sa Nov. 20 ang release date ng Fight For My Way ng AshDa o AshVid sa Viva One.
- Latest


















