^

Police Metro

Pugad ng ‘True Brown Style’ sa Metro Manila, gagalugarin    

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakahanda ang pulisya na galugarin ang mga lugar na posibleng pinagpupugaran ng grupong TBS o True Brown Style na itinuturong groomer ng mga kabataang recruits para magsagawa ng iba’t ibang krimen.

Ito ang inihayag kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at ang layunin ng hakbang ay mapigilan ang posibleng gagawing kriminal na aktibidad ng mga miyembro ng gang.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at gabay ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., na naglalarawan sa TBS bilang isang matagal nang umiiral na organisasyon na nagmula sa Estados Unidos at kalaunan ay nagkaroon ng presensya sa Pilipinas.

Nauna nang sinabi ni Remulla na iniuugnay ang grupo sa mga kriminal na aktibidad kabilang ang umano’y pagnanakaw sa mga convenience store bilang bahagi ng initiation ng mga miyembro nito.

Inatasan ni NCRPO Officer-in-Charge Police Brigadier General Christopher Abrahano ang lahat ng district director at mga kinauukulang police unit na palakasin ang intelligence gathering, koordinasyon at mga police operation upang matukoy ang mga miyembro ng grupo, alamin ang kanilang mga aktibidad at mapigilan ang patuloy na recruitment.

Nanawagan din siya sa mga magulang, lider ng komunidad at mga residente na agad ireport sa pulisya ang anumang impormasyon hinggil sa recruitment ng mga menor-de-edad o iba pang criminal activities.

FRATERNITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with