^

Probinsiya

3 timbog sa iligal na bentahan ng krudo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
3 timbog sa iligal na bentahan ng krudo
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police-Cri­minal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang tatlong indibiduwal na sangkot sa iligal na bentahan ng krudo sa Negros Oriental.

Ayon kay CIDG director, Police Maj. Gen. Robert Alexander Morico II, nagkasa ng operasyon ang PNP-CIDG matapos na makatanggap ng reklamo mula sa isang concerned citizen sa Brgy. Bolocboloc, Sibulan, Negros Oriental.

Sinabi ni Morico na sa isinagawang police operation, nasabat ang tatlong suspek at kinumpiska sa kanila ang dalawang fuel machines na naglalaman ng gasolina na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.

Dinakip ang tatlo matapos silang mabigong magpakita ng anumang dokumento na nagbibigay pahintulot sa kanila na magbenta ng krudo sa bisa ng Certificate of Compliance mula sa Departmet of Energy (DoE).

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Batas Pambansa No. 33 at Presidential Decree 1865 o iligal na pagbebenta ng langis ang mga naarestong suspek.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with