Baste haharap ngayon sa impeachment court
MANILA, Philippines — Inaasahang dadalo si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa Senate court sa impeachment trial ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni presiding officer Francis Escudero, nag-request si Mayor Duterte na dumalo sa korte ngayong araw, Setyembre 29 at 30 na kanya namang pinagbigyan.
Sa liham na ipinadala ng alkalde, humingi siya ng “substantial time” para maghanap, mag-organize, mag-authenticate at mag-produce at mag-subpoena ng mga dokumento na may kaugnayan sa kanyang testimonya.
Ang pagtestigo ni Mayor Duterte ay may kaugnayan sa Article II ng Articles of Impeachment na nakasentro sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman ng kapatid, bigong ideklara ang kanyang assets at kabiguan na mag-divest ng kanyang mga negosyo habang nanunungkulan bilang Bise Presidente.
Sa isang pagdinig, ibinunyag ng isang testigo na ang Davao City ay pinagkalooban umano ng mga kontratang nagkakahalaga ng P34.2 milyon sa GenCorp Industries Inc.
Nasangkot sa isyu ang GenCorp matapos ideklara ni VP Duterte sa kanyang SALN para sa 2024 at 2025 na mayroon siyang interes sa kumpanya. Nakasaad din na isa siyang stockholder ng GenCorp kahit nanungkulan bilang Bise Presidente noong 2022.
- Latest























