^

Pang Movies

Carlos, nailihim ang alok na kasal kay Chloe

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Carlos, nailihim ang alok na kasal kay Chloe
Carlos at Yulo

Ahh sosyal, engaged na pala ang singer / content creator na si Chloe San Jose at two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo since December 2025.

Halos sabay silang nag-post kahapon, Lunes, September 28, kung saan ikinuwento nila ang ginawang paglilihim ng kanilang engagement sa loob ng halos nine months.

Sa nasabing post, sinabi ni Carlos na noon pa man ay pinaplano na niyang mag-propose kay Chloe - September 2025 - bago siya tumulak ng Japan para sa isang training camp.

Sinabi naman ni Chloe na napansin niyang may kakaiba sa kanyang karelasyon kung saan naalala raw niya kung paanong madalas itong hindi nakakatulog at nakatitig sa kanya.

Pero hindi naman daw pinagdudahan ng singer na may plano itong mag-propose dahil ang akala niya ay pupunta lang  sila sa isang Christmas party noon. Na-realize lang ito ni Chloe nung nakarating sila sa venue at makita ang mga ilaw na ang concept ay maraming candle.

Nagbigay si Carlos ng dalawang engagement ring sa magiging misis noong mismong proposal.

Ipinaliwanag niya sa vlog na ito ang isa sa mga taong sumuporta sa kanya at sa paglalakbay sa pakapanalo ng dalawang gold medal sa 2024 Paris Olympics.

Caption ng Asian Games gold medalist din : “9 months ago… She said “Yes.”

“And all I can say and all I can feel, is that I am truly blessed.

“Blessed to love you.

“Blessed to be loved by you.

“Blessed to have you as my fiancé and, soon, as my forever.

“Mahal ko, pangako kong aalagaan, mamahalin, at poprotektahan kita sa lahat ng panahon. Sa hirap at ginhawa, sa saya at pagsubok, pipiliin kita araw-araw. At sa biyaya ng Diyos, makakasama kita hanggang sa buhay na walang hanggan

“Above all, we just want to thank you God for blessing us with this wonderful moment and for allowing us to experience a love that is guided by You. We’re so grateful that the Lord has always been with us through everything that happens in our lives, sa lahat ng pagsubok, saya, at bawat biyayang dumarating sa amin

“Thank You, Lord, for writing our story so beautifully and for being with us every step of the way. Here’s to our love, our faith, and forever together ”

Ang bongga ng venue kung saan lumuhod si Carlos na inayos ng sikat na designer na si Gideon Hermosa.

Sa kabila ng kaligayahan ng magkarelasyon, hindi pa rin nagkakaayos ang sikat na atleta at kanyang pamilya.

Anyway, pagkatapos ng panalo ni Carlos sa Asian Games nag-post din ito  ng : “After everything we went through before and during the Asian Games, we came home to this surprise from our people, my CHOSEN family

“Thank You, Lord, for giving me people who went through the hard days with us, celebrate every victory with us, and never left our side. Salamat, Panginoon, sa pagpanalo Mo sa amin

“Thank you mahal ko @chloeanjeleigh sa pag share mo ng pamilya mo sa amin ni @karll_yulooo , for loving us, looking after us, and making us feel that we are never alone.”

Pero ang isang sure rito, paldo ulit siya sa nasabing dalawang medalya sa Asia Games na ginaganap pa sa Nagoya, Japan.                                     

vhong, pipigilan ang paglabas ni deniece cornejo?!

May resbak ang kampo ni Vhong Navarro matapos utusan ng Court of Appeals ang pagpapalaya kina Deniece Cornejo at Cedric Lee.

Ayon sa abogado ng aktor na si Atty. Alma Mallonga, sa loob daw ng maraming taon, pinili ni Vhong na magtiwala sa sistema ng hustisya sa ating bansa.

Bilang pagpapakita ng tiwalang iyon, patuloy daw nitong ilalaban ang lahat ng legal na hakbang para iapela ang pagpapalaya sa dalawang kinasuhan niya.

Binago nga ng Court of Appeals ang hatol kina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa kasong isinampa ni Vhong, kung saan ibinaba ang antas ng krimen mula sa serious illegal detention for ransom sa grave coercion.

Maalalang hinatulan sila ng korte ng parusang anim na buwan hanggang tatlong taon, anim na buwan, at 21 araw.

Ipinilit din ng abogado ni Vhong na hindi totoo na nakakulong na ang mga akusado simula pa noong 2014, na siyang dahilan daw kung bakit iniutos ng Court of Appeals ang kanilang pagpapalaya.

 Sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) na vini-verify nito ang mga utos ng korte bago palayain sina Cedric Lee at Deniece Cornejo na nakakulong para sa hiwalay na kaso.                         

CARLOS YULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with