^

PSN Showbiz

Mga anak ni Michael, mas exposed na!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Mga anak ni Michael, mas exposed na!
Prince, Paris at Bigi
STAR / File

Seventeen years nang namayapa ang American King of Pop at music legend na si Michael Jackson na sumakabilang-buhay nung June 9, 2009 sa edad na 51.

Naiwan niya ang kanyang tatlong anak na sina Prince, Paris at Bigi.

Sina Prince at Paris ay pareho niyang anak sa kanyang first ex-wife na si Debbie Rowe pero nag-divorce ang dalawa at ang custody ay napunta kay Michael. Muling nag-asawa si Michael nung 1994 sa kaisa-isang anak ng yumaong King of Rock ‘n Roll na si Elvis Presley na si Lisa Marie Presley pero nagkahiwalay din ang dalawa two years later. Hindi sila nagkaroon ng anak.

Ang pangatlong anak ni Michael na si Bigi ay produkto ng surrogacy pero magkaka-close ang tatlong magkakapatid.

Ang tatlong anak ni Michael ay lumaki sa Neverland Ranch na pag-aari mismo ng music icon pero nang mamatay si Michael, inalagaan ang mga bata ng kanilang grandmother, ina ni Michael na si Katherine Jackson.

Kung gaano sila na-sheltered at ka-protektado nung nabubuhay pa ang kanilang ama na hindi ipinapakita ang mga mukha sa publiko pero ngayon ay mas public na sila.

May mga pagkakataon na magkakasama ang magkakapatid sa special occasions and events para sa kanilang namayapang ama.

Prince Harry, maglalabas ng libro tungkol kay Princess Diana!

Tiyak na bothered ngayon ang hari ng Britanya na si King Charles III dahil sa sunud-sunod na dagok na dumarating sa royal family.

Hati ang opinion ng mga Briton sa naging desisyon ng hari na mga private citizen na ngayon ang royal couple na sina Prince Harry at Meghan Markle maging ang kanilang dalawang anak na sina Prince Archie at Princess Lilibet.

Sa naging desisyon ni King Charles III ay tila pinuputol na nito ang kanyang ugnayan sa kanyang ikalawa at bunsong anak na si Princess Harry na hindi rin niya binigyan ng royal security.

Pero sa kabila ng order ni King Charles III ay tuloy pa rin ang buhay nina Prince Harry, Meghan kasama ang dalawa nilang mga anak na pinul-out ng mag-asawa sa unang school ng mga bata dahil sa seguridad.

Aktibo pa rin si Prince Harry sa pagdalo sa charity events na kanyang sinusuportahan kahit wala na siyang tulong na natatanggap mula sa royal family.

Balak din umanong maglabas ng libro si Prince Harry in honor of his late mother na si Princess Diana in time for her 30th death anniversary next year, Aug. 31, 2027.

Si Princess Diana ang tinaguriang People’s Princess na kahit 29 years nang namayapa ay taun-taon pa ring ginugunita ng mga taong patuloy na nagmamahal sa kanya ang araw ng kanyang kamatayan.

MICHAEL JACKSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with