^

PSN Palaro

Sibol kumana ng tanso sa Pokemon UNITE event

Pilipino Star Ngayon
Sibol kumana ng tanso sa Pokemon UNITE event
Naka-tanso ang SIBOL team sa 20th Asian Games.
POC Pool

Honor of Kings team may tsansa sa Ginto

NAGOYA -- Nakuntento sa tansong medalya ang SIBOL team matapos ang 0-2 kabiguan sa Indonesia sa semifinals ng Pokémon UNITE esports event sa 20th Asian Games kahapon sa Aichi Sky Expo Hall.

Tiyak na rin ang tanso sa SIBOL Honor of Kings team matapos ang 2-0 pagwalis sa Korea papasok sa semis kung saan ang panalo ang magpapasok sa kanila sa gold medal round.

Suportado ng Philippine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee, humulagpos sa SIBOL Pokémon UNITE squad ang pagkakataon sa Game One nang makabalik ang Indonesia sa pagkopo sa Kyogre sa huling dalawang minuto para sa 312-277 panalo.

Matapos nito ay hindi na nakabalik sa kanilang porma ang mga Pinoy esports players sa Game Two na tinapos ng mga Indonesians sa 887-204.

“Actually nung Game One, sobrang suwerte nu’ng kalaban. If you will notice, sobrang low health nu’ng mga kalaban. It’s just that kinapos tayo,” sabi ni SIBOL Pokémon UNITE head coach Albert Camp.

Sa kabila ng kanilang kamalasan sa semifinals ay ipinagmalaki pa rin ni Camp ang kanyang tropa sa pag-angkin sa kauna-unahang esports medal sa Asian Games.

“Still, sobrang happy. I’m still in awe kasi first time and sobrang happy ako sa boys ko kasi nga lifetime na nilang dadalhin ito. Nagdala sila ng medalya para sa bansang Pilipinas,” ani Camp.

Ang SIBOL Pokémon UNITE team ay binubuo nina Kim Rey Salazar, Michael Vaughn Ocio, Lance David at Camp.

POKéMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with