^

Police Metro

Crane tech, nabuhusan ng tunaw na bakal, patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang crane technician nang aksidenteng mahulog at matapunan ng nagbabagang tunaw na bakal sa isang steel manufacturing company sa Brgy. Salong, Calaca City, Batangas, nitong Biyernes ng hapon.

Ang biktima na hindi pinangalanan ay empleyado ng Steel Asia Manufacturing Inc. na nakabase sa naturang barangay ng lungsod.

Sa ulat ng Calaca City Police, bago nangyari ang disgrasya noong Biyernes ng alas-5:40 ng hapon ay abala ang biktima sa pagkukumpuni ng crane nang biglang aksidenteng mahulog ang ladle na naglalaman ng nagbabagang tunaw na bakal kasama ang biktima.

Bunga nito ay aksidenteng nabuhusan ng nagbabagang tunaw na bakal ang katawan ng biktima na nagtamo ng matinding pagkalapnos ng katawan na siya nitong ikinamatay noon din. Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa kaso at inaalam na rin kung may kapabayaan ang kumpanya sa nangyaring insidente.

Nangako ang kumpanya na sasagutin ang pagpapalibing sa biktima at pagkakalooban ng pinansyal na tulong ang pamilya nito.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with