Lolo, dinedo ng tatlong katao dahil sa selos

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 61-anyos na lalaki matapos na siya ay pagtulungang saksakin ng tatlong suspek na kanyang kapitbahay dahil lang sa selos, naganap kamakalawa sa Brgy.Queensrow Central, Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang nasabing biktima na si alyas “Dani?lo,” residente ng nasabing lugar habang ang mga suspek na kanyang kapitbahay na tumakas ay kinilalang sina alyas Kalbo, nasa hustong gulang;alyas Richard, 38; at alyas Josie, mga residente ng Bagong Silang 3A Queensrow East.
Sa imbestigasyon, bago ang krimen, alas-4:30 ng hapon ay nagkaroon umano pagtatalo ang biktimang si alyas “Danilo” at alyas Kalbo dahil sa nililigawan umano ng una ang karelasyon ng huli na si alyas “Josie.”
Sa gitna nang pagtatalo ay hinawakan umano nina alyas Richard at alyas Josie ang tig-isang kamay ng biktima at dito ay inatado ng saksak ni alyas Kalbo.
Nang bumulagtas ang biktima ay mabilis sumakay ng motor ang tatlong suspek habang ang biktima ay dinala ng mga saksi sa ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.
Sa follow-up operation ay naaresto ng mga otoridad si alyas Richard habang patuloy ang pagtugis sa magdyowang sina alyas Kalbo at alyas Josie.
- Latest




















