^

Police Metro

Seguridad sa 2-araw na tigil-pasada, tiniyak ng pulisya

Ludy Bermudo - Pang-masa
Seguridad sa 2-araw na tigil-pasada, tiniyak ng pulisya
Commuters wait for public utility vehicles (PUVs) at a waiting shed along Commonwealth Avenue in Quezon City on Sunday. The Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) reminds all PUV drivers and operators that the updated fare guide, which may be downloaded at the agency's website for free, should be visible inside their vehicles before implementing the fare increases starting Monday.
Photos by Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Binigyan ng kasiguraduhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, pagtiyak sa kaligtasan ng publiko at pagbibigay ng tulong sa mga commuter na maaaring maapektuhan ng dalawang araw na transport strike sa Setyembre 29 at 30.

Inatasan ni NCRPO Officer-in-Charge Police Brigadier General Christopher Abrahano ang lahat ng police districts at police stations na makipag-ugnayan sa local government units, transport authorities, at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak na nakahanda ang mga hakbang para sa seguridad at pagtulong sa publiko, partikular sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga pasahero at maaaring makaranas ng pagkaantala o kakulangan sa pampublikong transportasyon.

Binigyang-diin ni Abrahano na iginagalang ng NCRPO ang karapatan ng mga transport group na mapayapang ipahayag ang kanilang mga hinaing ngunit nanawagan siya sa lahat ng lalahok sa transport strike na panatilihin itong maayos at mapayapa.

Nanawagan din siya sa mga kalahok na igalang ang mga transport operator at driver na maaaring magpasiyang magpatuloy sa pagbibiyahe at magsakay ng mga pasahero sa kabila ng transport strike.

TIGIL PASADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with