Bagong HVI, tiklo sa P6.8 milyong shabu
MANILA, Philippines — Bumagsak sa pulisya ang isang 22-anyos na lalaki na bagong tukoy na high value individual nang ito ay masamsaman ng nasa P6.8-milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Pasig City, nitong Sabado ng hapon.
Ang lalaking suspek na bagong tukoy HVI ay isinailalim na sa inquest proceedings para sa paglabag sa Sections 5 at 11ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa harap ng Pasig City Prosecutor’s Office.
Sa ulat, alas-5:20 ng hapon nang masakote ang suspek sa C. Raymundo Avenue, Barangay Caniogan at nasamsam ang anim na plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 1,000 gramo ng hinihina?ang shabu, na nagkakahalaga ng P6,800,000, kasama ang marked money, digital weighing scale, identification card, at motorsiklong ginagamit sa iligal na transportasyon.
- Latest

















